Saturday, May 23, 2009

Not even a single word from SIA

I really can't find the courage and strength to open my reviewer books from Sia. In other words, tinatamad ako! Kung tutuusin nasa akin na ang (halos) lahat ng mga materials na tutulong sa akin sa pagreview for my board exam, including medicine books, Q&A books with answer sheets, at ang pinakatretreasure ko: ang sandamakmak kong ebooks (na halos 5gb)na medyo mahirap hanapin sa internet unless marunong ka talaga.

Naiinis na nga ako sa katamarang pinaiiral ko. Puro na lang ako laro, internet at gala. Wawa naman utak ko wala ng laman kundi si Mario, friendster, multiply, make up at pagkain. Pumunta na nga ko kanina dun sa friend ko para itanong kung desidido talaga silang sa October na kumuha ng board. Nagulat pa ako nung sinabe nyang OO. Patay! Mukhang ako pa lang talaga ang walang gana mag-review. Well, sana may bumatok sa akin para umpisahan ko ng magreview. Matagal ding napabakante utak ko kaya hirap na kong magmemorize. Dala na din siguro ng alak at puyat! Nyahahahaha!

Try kong umpisahan bukas ang pagrereview. Try lang. hehe ^_____^

No comments:

Please do not grab any images in this site without the consent of the owner. Thanks ^_^

LinkWithin

Blog Widget by LinkWithin